Ipapamahagi na simula sa susunod na linggo ang diagnostic kits na kayang tukuyin ang mga pasyenteng tinamaan ng dengue.
Pangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST), katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Health (DOH) ang distribution ng mga nasabing kits.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang diagnostic kits ay developed ng mga researchers mula University of the Philippines, Manila.
Sa pag-gamit ng kits, malalaman kung mayroong early stage ng dengue virus sa dugo ng pasyente.
Ang unang makakatanggap ng kits ay Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Western at Northern Mindanao at Bangsamoro Region.
Facebook Comments