DISTRIBUTION OF SCHOLARSHIP ALLOWANCE, MULING AARANGKADA

CAUAYAN CITY – Muling naglabas ng schedule ng distribution of Scholarship Allowance para sa ikalawang semester ng School Year 2023-2024 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Sa inilabas na anunsyo, magsisimula ngayong araw, ika-14 ng Enero, ang distribusyon sa San Isidro kung saan 310 scholars ang mabibigyan ng allowance na nagkakahalaga ng kabuuang P981,000.

Sa kapareho ding araw ay magkakaroon din ng scholarship distribution sa bayan ng Echague kung saan nasa mahigit P4M ang nakalaang ipamigay sa 1287 Bro-Ed Scholars.


Samantala, sa ika-15 ay isasagawa ang kaparehong aktibidad sa bayan ng Alicia at Ramon habang sa ika-16 naman sa bayan ng Cabagan at Sto. Tomas.

Pinaalalahanan naman ng Provincial Government of Isabela (PGI), ang mga estudyante sa mga kinakailangang dokumento katulad ng Certificate of Scholarship, school ID o kahit anong valid ID, at panulat.

Facebook Comments