Distribution Status ng COVID-19 vaccine sa Region 2, Nasa 100%

22

Cauayan City, Isabela- Nasa 100 porsyento ng bakuna ang naipamahagi ng Department of Health (DOH) region 2 sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon dos.

Umabot sa kabuuang 1,676,540 doses ng COVID vaccine ang natanggap ng rehiyon as of October 10, 2021 habang 1,155,541 doses ang naibigay ng ahensya.


Mula sa naturang bilang, 540,422 indibidwal ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 615,119 ang nakatanggap naman ng first dose.

Kaugnay nito, nasa 8,670 ang average daily dose ang naipamigay sa mga indibidwal sa nakalipas na pitong (7) araw.

Samantala, 300 vaccination sites ang maaaring gamitin ng mga nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Hinimok naman ng DOH ang publiko na magpatala sa mga Rural Health Unit upang makatanggap ng bakuna.



Facebook Comments