Distribution utilities na kusang nagbalik ng bill deposit refunds sa customers dapat tularan

Pinuri ni Iloilo Rep. Jam Baronda ang naging inisyatibo ng More Electric and Power Corporation (More Power) na kusang ibalik sa mga customers nito ang kanilang bill deposit na hindi karaniwang ginagawa ng mga Distribution Utilities (DUs).

Ang bill deposit ang siyang paunang binabayad ng mga customer sa pag-aaply ng linya ng kuryente alinsunud sa Article 7 ng Magna Carta for Residential Electric Consumers na may obligasyon ang mga DU na isauli ito kung sa loob ng tatlong taon ay nagbabayad sa oras at hindi naputulan ng kuryente ang isang customer.

Gayunpaman, sa probisyon ng batas ay hindi ito kusang ibinibigay ng mga DU bagkus ay kailangan na i-apply ang bill deposit refund mismo ng mga customers.


Sa isinagawang online forum, hinimok ni Baronda ang iba pang DUs na gayahin ang pinasimulan ng More Power na hindi na nag-antay na magsumite pa ng aplikasyon ang kanilang mga customers at sila mismo ang tumawag sa mga ito at pinapunta sa kanilang tanggapan para kunin ang refund.

Sinabi ni Baronda na may oversight power ang Kamara para silipin kung nakakasunud ang mga DUs sa pagpapatupad ng bill deposit refund.

Una nang sinabi ni More Power President at CEO Roel Castro na nasa P5 million bill deposit refund ang nakatakda nilang isauli ngayong taon sa mga eligible customers na nagbabayad sa tamang oras.

Samantala, pumasok na sa isang joint venture agreement ang More Power sa pamamagitan ng subsidiary nito na Primelectric Holdings, Inc. para sa pagpapalakas ng supply ng kuryente sa lalawigan ng Negros.

Nasa P4 billion ang ibubuhos na pondo para sa modernisasyon ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO), P2 billion ang ilaan sa pagbili ng asset habang ang P2 billion ay para sa capital expenditure program.

Facebook Comments