District engineer ng DPWH na na-assign sa Antique, patay matapos barilin ang sarili

Antique – Maliwanag na nagpakamatay at walang nakitang foul play sa pagkamatay ni Engr. Arnel Rebeta, ang District Engr. ng Department of Public Works and Highways na na-assign sa lalawigan ng Antique.

Ito ang lumabas na resulta sa autopsy na sinagawa ni Dr. Owen Libaquen ng PNP Crime Laboratory sa bangkay ni Rebeta.

Ayon kay Libaquen, may dalawang tama ng bala sa dibdib at bunganga ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.


Wala namang nakitang ibang sugat at palatandaan na nagkaroon sa struggle sa katawan ng biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng Jaro PNP kung ano ang dahilan ng pagpakamatay ang naturang engineer.

Matandaan na nakita na lamang na patay na sa loob ng apartment na kanyang dating tinitirhan sa Barangay Dungon B, Jaro, Iloilo City si Rebeta nung nakaraang linggo ng hapon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments