District Engineer ng DPWH na nagtangkang manuhol sa isang kongresista para pigilan ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control peojects, sasampahan na ng reklamo ngayong araw

Kakasuhan na ngayong araw ni Batangas 1st District Representative Congressman Leandro Leviste, ang isang District Engineer ng Department of Works and Highways (DPWH) sa Batangas Provincials Prosecutors Office.

Ito’y matapos ang tangka nitong panunuhol upang pigilan ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control peoject sa Batangas.

Ayon kay Congressman Leviste, personal siyang pupunta sa korte upang magsampa ng kaso laban kay Abelardo Calalo na nagtangkang manuhol ng P3.13 million.

Aniya, simula pa lamang ito ng mas malawak na hakbang upang ibunyag ang umano’y mga iregularidad at substandard na mga proyekto sa flood control sa lalawigan.

Panawagan ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste na magsagawa ng malawakang technical audit sa lahat ng flood control project ang DPWH dahil naniniwala siyang kailangan lamang ng sapat na ebidensya upang mapanagot ang mga sangkot sa palpak na flood control project

Una nang naaresto ang DPWH District Engineer sa Taal Batangas noong Biyernes matapos ang entrapment operation—ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Facebook Comments