DITO, malapit nang maabot ang 1 million subscribers

Malapit nang maabot ng DITO Telecommunity ang isang milyong subscribers bago ang second-year audit na itinakda sa susunod na buwan.

Ang ikatlong telco ay magsisimula nang magtayo ng cell sites sa loob ng Camp Aguinaldo.

Ayon kay DITO Chief Technology Officer Retired Major General Rodolfo Santiago, ang pagtatayo ng cell sites sa loob ng kampo ng militar ay mayroong karagdagang requirements bago sila payagang magtayo.


Pero nakapagsumite na sila ng lahat ng requirements kaya uusad na ang aktwal na konstruksyon.

Ang itatayong pasilidad sa loob ng Camp Aguinaldo ang magiging modelo para sa mga itatayong pasilidad sa iba pang kampo.

Sa ngayon, aabot sa 123 lugar ang may coverage na ng DITO kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Mula noong June 10, aabot na sa 800,000 subscribers ang DITO at tiwala silang maaabot ang 1-million mark bago ang gagawing audit sa July 8.

Una nang lumagda ng kasunduan ang ikatlong telco at Armed Forces of the Philippines (AFP) para magtayo ng pasilidad sa loob ng kampo ng militar.

Facebook Comments