Dito network gaps ,nagpapakitang mas pabor ang users sa Globe at PLDT — mobile data analyst

 

BIGONG makasabay ang download speed ng Dito Telecommunity sa Globe at PLDT, ayon sa isang
mobile data analyst.

Sa isang report, sinabi ng Opensignal, isang independent mobile analytics specialist, na ang Dito, ang third telco player ng bansa, ay nahaharap sa limitadong network footprint at nanganganib na lumipat ang mga subscriber nito sa Globe at PLDT, na kapwa agresibo sa pagpapalawak ng kanilang agwat o superiority sa una.

“Globe and PLDT have aggressive
network spending plans compared
to Dito which needs to divert capital
to widen its footprint,” pahayag ng Opensignal.


Ibinunyag ng data analyst na ang
download speed ng Dito sa nakalipas na dalawang buwan ay 11 %, 26%, 16% na mas mabagal kumpara sa Globe at PLDT para sa Cebu, Davao at Metro Manila.

“This is even with the benefit of
having a small subs base. As users
grow, we see network quality gaps
as increasing,” dagdag pa ng data analyst.

Dahil sa network quality
gap, ang mga quality-focused user ay sinasabing mas pinipili pa rin ang
PLDT at Globe kaysa Dito.

Ayon pa sa data analyst, ang sinasabi ng Dito na pagkakaroon ng one million users
noong Hunyo at two million noong Agosto ay hindi awtomatikong nagpapakita ng
pre-paid revenues.

“Active, paying subscribers may be
defined loosely across operators. Subscribers are not symptomatic of revenues in pre-paid markets,” it explained.

Pagbibigay-diin pa ng analyst na “it will take
money to compete.”

“The question lies with capital
commitment as telcos require
material investment to compete.
We are not confident that the law
which will allow for 40% foreign
ownership will be passed given a
potential Senate impasse especially
with national elections next year.
This raises the question if Dito’s
60% owner, Udenna, would more aggressively bankroll an expansion
with China Telecom remaining as
minority owner. Dito’s current
US$5 billion five-year cumulative
greenfield capex commitment pales
vs. Globe’s/PLDT’s US$1.5-1.8 billion
annual capex,” dagdag pa ng data analyst.

Facebook Comments