Dito Telecom, “on track” pa rin sa Commitments nito sa 2020

Nananatiling ‘on track’ ang Dito Telecommunity Corporation sa pagkamit ng commitments nito sa gobyerno sa July 9, 2020, ang unang taon ng kanilang operasyon.

Ayon kay DICT Usec. Eliseo Rio Jr., ang commitment nila na sa unang taon nila ay 37% ng populasyon ang maaabot ng kanilang serbisyo, katumbas ng nasa 3,000 cell sites.

Sa ika-limang taong operasyon nito, nangako ang dito na aabot sa 84.01% ang kanilang Nationwide Coverage na may 55 Megabits per second o mbps na minimum speed.


Ang dito telecom, ay dating tinatawag na mislatel consortium, na idineklarang bagong Major Player sa Philippine Telecommunications ng National Telecommunications Commissions (NTC) noong November 19, 2018.

Ibinigay ang permit to operate sa ikatlong telco noong July 8.

Facebook Comments