Kasunod ng pagkakatalaga kay Chief Justice Diosdado Peralta, nagpatupad ang Korte Suprema ng balasahan sa mga komite nito at court divisions.
Ang En Banc Raffle Committee ay pamumunuan na ni Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, habang ang Division Raffle Committee naman ay pamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen.
Sina Peralta, Bernabe at Leonen ang mamumuno naman ng first, second at third division.
Miyembro naman ng first division sina: Justices Alfredo Caguioa, Jose Reyes, Amy Lazaro-Javier at Henri Jean Inting.
Sa second division naman, miyembro sina Justices Andres Reyes, Ramon Paul Hernando, Henri Jean Inting at Rodil Zalameda.
Bahagi naman ng third division sina: Alexander Gesmundo, Rosmari Carandang, Rodil Zalameda at Amy Lazaro-Javier.
Maging ang mga myembro ng Senate Electoral Tribunal at House of Representatives Electoral Tribunal ay binalasa rin.
Para sa SET, chairperson si Bernabe, at myembro naman sina Caguioa at Gesmundo.
Para naman sa HRET, chairperson si Leonen at myembro naman sina Andres Reyes at Jose Reyes.
Kaninang umaga ay pinulong din ni Peralta ang mga hepe ng mga tanggapan sa Korte Suprema para talakayin ang mga proyekto na gagawin sa ilalim ng kanyang pamumuno.