Divisions ng Korte Suprema,binalasa

Ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang “reorganization” sa mga dibisyon ng Korte Suprema.

Ang Kataas-taasang Hukuman ay mayroong tatlong dibisyon na may tig-limang miyembro.

Labing-limang mahistrado ang dapat na miyembro ng Korte Suprema, pero may bakanteng isang pwesto dahil wala pang nahihirang na Associate Justice sa binakanteng pwesto ni Chief Justice Lucas Bersamin.


Sa ilalim ng Special Order No. 2643, si Bersamin na ang uupo bilang permanent chairman ng SC first division habang ang working chairman  ay si Justice Mariano del Castillo.

Ang iba pang miyembro ng SC first division ay sina Justices Francis Jardeleza, Alexander Gesmundo at Rosmari Carandang.

Ang Supreme Court second division naman ay pamumunuan ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, habang ang mga miyembro ay sina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Benjamin Alfredo Caguioa, Jose Reyes Jr. at Amy Lazaro-Javier.

Ang chairman ng SC third division ay si Associate Justice Diosdado Peralta at makakasama niya bilang regular members sina Associate Justices Marvic Leonen, Andres Reyes Jr., Ramon Paul Hernando.

Ayon sa kautusan, ang revamp ay bunsod na rin ng appointment kay Javier, na bagong talaga sa Korte Suprema.

Facebook Comments