DIVORCE BILL | Divorce 3rd and final reading

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill
7303 o ang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage.

Sa botong 134 yes, 57 no at 2 abstain ay nakalusot na ito sa Mababang
Kapulungan.

Apat na consolidated bills ang bumubuo sa panukala kung saan naging batayan
ng mga grounds dito ang batas para sa legal separation at annulment o
nullification of marriage.


Kabilang sa mga grounds ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng
relihiyon, magpalit ng political affiliation, alcoholism, drug addiction,
anim na taong pagkakulong, pagkalulong sa sugal, at kung limang taon nang
hiwalay ang mag-asawa.

Layunin din ng panukala na gawing accessible at madali para sa mga
mahihirap ang divorce kung saan ang isang petitioner ay ituturing na
indigent kapag mas mababa sa 5 million ang halaga ng ari-arian nito.

Kapag pasok na indigent ang isang petitioner, ililibre ito sa serbisyo ng
court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist at
libre din ang filing fee.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments