Divorce bill, hindi makakalusot sa 18th Congress – Villar

Manila, Philippines -Naniniwala si Senator Cynthia Villar na hindi makakapasa sa 18th Congress ang divorce bill.

Ayon kay Villar – mahihirapan itong makalusot lalo na at predominantly catholic country ang Pilipinas.

Paulit-ulit aniya na ihahain ito sa Kongreso at darating ang oras na makakapasa ito pero hindi sa kasalukuyang Kongreso.


Diin pa ng senador, dapat munang magkaroon ng adjustment sa kaisipan ng mga tao bago ito matanggap.

Sa pananaw niya, hindi siya pabor sa panukala.

Facebook Comments