DIVORCE BILL | Kahalagahan ng divorce sa pagbubuwag ng dysfunctional marriages, iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez

Manila, Philippines – Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na mahalaga ang divorce bill para mabuwag na ang mga hindi na gumagana o dysfunctional marriages.

Ayon kay Alvarez, hindi na nararapat pang ituloy ang pagsasama ng isang mag-asawa kung nagkakaroon na ng pagbabanta sa buhay, pananakit o kaya naman ay hindi nagtrabaho ang partner.

Binanggit din ni Alvarez na mayroong ding ilang kaso na ang OFW na nagpapadala ng pera para sa kanyang pamilya ay winawaldas lamang ng kanyang partner.


Punto pa ng House Speaker, hindi maaring igiit ng simbahan ang kanilang mga doktrina sa gobyerno kahit mariin nilang tinututulan ang divorce dahil pinapawalang saysay nito ang sakramento ng kasal.

Nabatid na lusot na sa Kamara ang absolute divorce and dissolution of marriage bill noong Marso pero hinaharang na ito sa senado maging ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments