DIVORCE BILL | Liderato ng Senado, buo ang paniniwala na hindi nila maipapasa ang American style na Divorce

Manila, Philippines – Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi papasa
sa senado ang panukalang diborsyo kung katulad ito ng istilo sa America.

Sa tingin ni Pimentel, hindi susuportahan ng mga senador ang Divorce Bill
katulad sa US kung saan pwedeng agad maghiwalay ang mag asawa kahit walang
mabigat na dahilan.

Naiakyat na sa Senado ang Divorce Bill na ipinasa Kamara pero ayon kay
Pimentel, pag-aaralan pa nila itong mabuti.


Wala pa ring senador na naghahain ng Divorce Bill pero may dalawang
panukala na nakabinbin sa Senado para sa pagpapawalang bisa ng kasal.

Ito ay ang inihain ni Senator Loren Legarda para isama sa mga basehan ng
annulment ang limang taon ng hindi pagsasama ng mag-asawa.

Inihain naman ni Senator Juan Miguel Zubiri ang senate bill 1745 na
humihiling sa gobyerno na kilalanin ang annulment na inaprubahan ng
simbahan.

Argumento sa panukala ni Zubiri ang pagturing sa kasal bilang religious act
sa ating bansa dahil 86 percent ng populasyon ay katoliko.

Sabi ni Zubiri, tutol siya sa diborsyo dahil kailangang pagsikapan ng
mag-asawa na maisalba ang kanilang pagsasama para sa kanilang mga anak at
kung hindi na uubra ay may ibang solusyon naman tulad ng annulment na
nagtatakda ng malalim na basehan dapat ng paghihiwalay.

Facebook Comments