Divorce bill, pag-aaralan muna ng Senado; pero Sen. Villanueva, tutol agad sa panukala

Pag-aaralan muna ng Senado ang panukalang batas na diborsyo sa Pilipinas.

Ito ang ibinigay na reaksyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri habang nasa Pagasa Island at matapos na ipasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang kontrobersyal na House Bill No. 9349 o ang Absolute Divorce Act.

Ayon kay Zubiri, kailangan munang pag-aralan nila itong mga senador lalo’t batid niya na may ilang kasamahan ang ayaw sa panukala.


Agad namang nagbigay ng pagtutol si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa divorce bill at sinabing magno-no agad siya dito at hindi na kailangan pang pag-aralan ang panukala.

Sinabi ni Zubiri na pastor nila sa Senado si Villanueva, bilang ito ay anak ng evangelist at founder ng Jesus is Lord Church Worldwide.

Sa Mataas na Kapulungan ay mayroong apat na nakabinbin na divorce bills na iniakda nina Senators Risa Hontiveros, Imee Marcos, Pia Cayetano, Raffy Tulfo at Robinhood Padilla.

Facebook Comments