Manila, Philippines – Masusi pang pinag-aaralan pa ng Catholic Bishop Conference of the Philippines ang kanilang ipalalabas na pahayag matapos na lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang consolidated version ng absolute divorce at dissolution of marriage bill.
Ayon kay Roi Laharde, staff ng CBCP, kasalukuyan pang nagpupulong ang mga opisyal ng CBCP, at wala pang sinasabi ang Simbahang Katoliko kung ano talaga ang kanilang stand o katuyuan sa naturang panukalang batas.
Sa ilalim kasi ng batas para sa legal separation at annulment o nullification of marriage ay kabilang dito ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction, anim na taong pagkakulong at pagkalulong sa sugal.
Tatanggapin na ring ground para sa diborsyo kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa.
Ang isang petitioner ay ituturing na indigent kapag mas mababa sa 5 million ang halaga ng ari-arian nito.
Kapag pasok na indigent ang isang petitioner, ililibre ito sa serbisyo ng court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist at libre din ang filing fee.
Magkakaroon din ng summary proceeding para mas mapabilis ang proseso ng divorce kahit wala pang isang taon.
Sa alimony o sustento, nagtakda ng option ang komite na pwede itong bayaran ng one-time payment o periodic payment depende sa kasunduan at kakayahan ng magkabilang panig.