DIVORCE BILL | Panukala para sa diborsyo, maipapasa agad sa Kamara

Manila, Philippines – Kumpyansa si Albay Rep. Edcel Lagman na maipapasa ng mabilis ang Divorce Bill sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Lagman na siyang head ng TWG para sa consolidation ng apat na panukalang inihain kaugnay sa diborsyo sa bansa, bago ipagdiwang ang International Day for Women sa March 8 ay maiaakyat na nila sa plenaryo ang Divorce Bill.

Kampante ang kongresista dahil wala namang strong opposition ang mga mambabatas sa nasabing measure.


Ang mga isinusulong na panukala tungkol sa diborsyo ay gagawing mas mura, mas mabilis at mas madali para sa mga mag-asawang matagal nang gusto maghiwalay bunsod ng hindi na magandang pagsasama.

Pero, wala pa man sa plenaryo, nagpahayag na ng pagtutol ang kasamahan ni Lagman na si Magdalo PL Rep. Gary Alejano.
Para kay Alejano, sisirain ng diborsyo ang kasagraduhan ng kasal at magpapahina ito sa pamilya bilang isang pangunahing institusyon sa lipunan.

Dahil magiging convenient ang diborsyo sa bansa, tiyak na kawawa sa sitwasyon na ito ang mga anak.

Facebook Comments