Diwa ng EDSA People Power, nawawala na ayon sa isa sa dating opisyal noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Aminado ang political adviser noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na naglaho na ang ala-ala ng tinaguriang 1986 EDSA People Power.

Sa Pandesal forum sa Quezon City, sinisi mismo ni former Secretary Ronald Llamas ang mga personalidad ng EDSA People Power.

Aniya, nilamon na ng sistema ng masamang politika ang prinsipyo ng mga ito.


Aniya humina rin ang departamento na nabigong itinuro ang nangyari sa panahon ng Martial Law.

Sa kabila na may dalawang Aquino na ang naupo sa Malacañang, nabigo rin ang mga ito na makapagsagawa ng pagbabago sa kabuhayan at kamalayan ng mga Plipino.

Ang pahayag ay ginawa ni Llamas dalawang araw bago ang ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power.

Facebook Comments