DIWA NG PASKO, RAMDAM NA SA ALAMINOS CITY FOOD HUB

Opisyal nang binuksan para sa publiko ang Dap-ayan Food Hub sa Plaza Marcelo Ochave bilang bahagi ng pagsisimula ng kapaskuhan sa Alaminos City.

Tampok sa food hub ang iba’t ibang pagkain tulad ng inihaw na baboy at manok, street food favorites, iba’t ibang inumin, at mga dessert na tiyak na tatangkilikin ng mga bisita.

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang mga residente at kanilang pamilya na bisitahin ang lugar at maranasan ang masayang selebrasyon ng Pasko sa lungsod, kasama ang masasarap na pagkain at magandang samahan.

Inaasahang magbibigay ito ng mas masigla at festive na kapaligiran habang papalapit ang lighting ng Giant Christmas Trees sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments