DIWA NG PASKO, RAMDAM NA SA PLAZA LIGHTING SA SAN CARLOS CITY

Mula sa pagningning ng malaking Christmas tree hanggang sa makukulay na dekorasyong pumuno sa paligid, dama na ang diwa ng Kapaskuhan sa San Carlos City matapos ang Plaza Lighting Ceremony.

Dinagsa ito ng mga pamilya, kabataan, at mga bisitang sabik masaksihan ang taunang tradisyong nagsisilbing hudyat ng Christmas season sa lungsod.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa mainit na pagtanggap ng publiko, na muling nagpakita ng pagkakaisa ng komunidad sa pagdiriwang.

Ayon sa kanila, sa bawat ilaw na kumikislap, mas lalo ring umigting ang saya at diwang Pasko sa puso ng mga San Carlenian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments