Manila, Philippines – Sa Lunes, October 29 – nakatakdang ilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang ikalawang micro satellite sa International Space Station (ISS).
Ilulunsad ang Diwata-2 sa mas mataas na orbit o altitude sa kalawakan sa pamamagitan ng rocket mula sa plano ng DOST na ilunsad sa kalawakan ang ikalawang micro satellite ng bansa ang Diwata 2 sa Lunes.
Mas matas na orbit o altitude sa pamamagitan ng rocket mula sa Japan Aerospace Exploration Agency o JAXA.
Layon nito na ipagpatuloy ang misyon ng Diwata 1 pero mas tututok ito sa aspeto ng pagmo-monitor.
Gagamitin naman ng mga eksperto ang mga satellite image para pag-aralan ang lagay ng panahon, agrikultura, marine, forestry at mining.
Samantala, isinama na rin ng DOST sa kanilang programa ang paglikha at paglulunsad ng ikatlong Diwata sa hinaharap.