Ano ang maaring gawin sa naninilaw mong clear phone case?
Boring na boring ka na ba sa clear phone case mo? Dahil mas matagal na ang phone case mo kaysa sa relasyon ninyo, nanilaw na siya ng tuluyan. Hindi na maganda sa mata. Alam mo ba na maari mo pa rin itong pakinabangan? Ibahin mo lang ang kulay, idol. Maari mong lagyan ng paborito mong kulay ang clear phone case mo para mas pleasing sa eyes mo. Nakapag-experiment ka na, naaliw ka pa, at may new perfect phone case ka pa. Hindi lang ikaw ang puwedeng mag-move on, pati case mo na rin! Gusto mo ‘yun?
Mga Kailangan:
- Gamit na Clear Phone Case
- Crepe Paper
- Mainit na Tubig
- Plastic Container
Proseso:
- Piliin ang kulay na gusto mong ilagay sa iyong clear phone case. Maaring isang kulay lamang ang bilhin pero kung gusto mong gawin ang gradient effect, bumili ng higit sa isang kulay.
- Kumuha ng container na may mainit na tubig at ilagay ang crepe paper. Haluin ito at hintayin na kumulay sa mainit na tubig.
- Dahan-dahang ilagay ang clear phone case sa container at maghintay ng ilang sandali. Hintayin at bantayan mo ang clear phone case mo at baka malusaw.
- Kapag napansin mo na kumulay na ang crepe paper sa naninilaw mong clear phone case. Hanguin ito sa container at punasan. Maari mo na ulit magamit ang iyong lumang clear phone case sa kanyang bagong kulay!
Article written by Leogene Bomitivo
Facebook Comments