Diya Ed Sikami: Buhay pa rin ang Sarswela

Sa patuloy na pagsulong ng modernisasyon sa ating bansa, nakakatuwang isipin na buhay parin ang itinuturing na lehitimong ikalawang anyo ng pambansang teatro ng Pilipinas o ang Sarswela dito sa probinsya ng Pangasinan. Ano nga ba ang Sarswela?

Ang sarswela ay isang uri pagtatanghal na nanggaling pa sa mga kastila. Ito ay isang dula na may sangkap na awit at sayaw na tumatalakay sa mga usaping panlipunan, pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura. Isa sa mga grupong patuloy paring nagtatanghal ng sarswela dito sa Pangasinan ay ang Tamayo Troupe Sarswela, na kinabibilangan ng ilang kilalang personalidad sa Pangasinan. Ang grupong ito ay nagtatanghal sa iba’t ibang parte ng Pangasinan at sa mga karatig probinsya. Sila rin ang nag representa ng Pangasinan Sarswela sa Sarswela Festival sa U.P Diliman.

Sa pamamagitan ng sarswela ay binubuhay nila ang kultura at lingwaheng Pangasinan. Ayon kay Raul “Insiyong” P. Tamayo isang kilalang manunulat at director ng sarswela sa Pangasinan “Gagawaen mi ya aliwa labat ya lapud pakalmuan mi, nu agsay labay mi tan manisya kami ya napansansya min mabilay su salita tayon Pangasinan. Katon ag kami untutundan manggagawa ray Pangasinan iran kansyon lapud agmi labay ya nalingwanan na saray balon henerasyon su salita tayon Pangasinan”.


Sa kasalukuyan ay patuloy paring nililinang at binubuhay ang sarswela dito sa ating probinsya. Gayunma’t nakalimutan na sa ibang parte ng Pilipinas, ipinagmamalaki ng mga Pangasinense na buhay pa rin ang sarswela at patuloy itong sumasabay sa modernong panahon natin ngayon.

Ikaw nakapanood ka na ba ng Sarswela?




Facebook Comments