Ang bibingka ay tradisyunal na pagkaing pinoy tuwing Pasko ngunit sa Dagupan City araw-araw maari kang makatikim ng masarap na bibingka sa may kahabaan ng Downtown Area at sa may tapat ng Dagupan Plaza.Ang bibingka ng Dagupan City ay gawa sa dalawang flavor.
Ang bibingka espesyal nagawa sa itlog maalat at bibingka na may buko. Ayon kay Gina Calimlim Quisora isa sa mga nagbebenta ng bibingka sa Dagupan City ng dalawampu’t apat na taon , ang bibingkang may itlog maalat ay madalas na hinahanap hanap ng mga millenials at ang bibingkang may buko ay para sa mga matatanda na nais ng matamis na lasa. Sa halagang 25 pesos matitikman mo na angmasarap na bibingka ng Dagupan.
Kasama ni Gina ang kaniyang asawa sa pagpi-prepare at pagbebenta ng bibingka. Ala sais pa lamang umaga nagigising na ang mag asawa upang kumayod . Ala una ng hapon pupwesto na ang mga ito sa Dagupan Plaza. Kuwento nito nag-aaral pa alamang ang kaniyang anak naglalako na sila at ngayon apo na nito ang kaniyang kasama. Talaga namang isa ang bibingka sa mga nagbibigay ng trabaho at isa rin sa mga pumupuno ng tiyan ng mga Dagupeno.
Singkwenta pesos ang ibinabayad ng mga ito sa market division ng Dagupan City para sa kanilang pwesto.