Diya Ed Sikami: Makakapamili ng Fresh na Lamang Dagat

353

Sa pagbisita mo dito sa Lungsod ng Dagupan di pwedeng wala kang maiuwing fresh na isda at iba pang lamang dagat. Ngunit saan ba pwedeng mamili dito ng fresh na lamang dagat?

Hindi na uso ang bilasa, patok na ngayon ang FRESH!


Fresh na Bangus, hipon, lapu lapu, sapsap, tilapia, pingka, pagi, alimango, pusit , arorosep, tuna, matambaka at kung ano ano pang lamang dagat ang hanap mo sa Magsaysay Fish Market lahat Fresh!

Isa ito sa tunay na dinarayo ng mga turista sa tuwing mmadadaan sila sa lungsod ng Dagupan. Dito ang bagsakan ng mga isda na nanggagaling sa Sual, Anda, Bolinao at mismong Dagupan. Mura dito kumpara sa ibat ibang bayan ng Pangasinan at 24 hours ang operasyon.

10 Piso ang singil sa bawat banyera ng mga nagbebenta. Ayon sa Market Supervisor ng Dagupan malaki ang naiiaambag nito sa ekonomiya ng Dagupan dahil inaabot ng mahigit na 900,000 kada buwan ang pera na nakokolekta ng market division.

Illang kilalang personalidad na rin ang pumunta rito gaya ni Daryl Ong, Mar Roxas at Allan Cayetano.

Kaya kung tipid at sulit punta na sa Magsaysay Fish Market.







Facebook Comments

From Advertisers