Diyalektong Tausug at Yakan, tampok sa isang Korean drama series

Screenshot via Arthdal Chronicles

Nakasama sa isang scene sa korean drama series na Arthdal Chronicles ang diyalektong Tausug at Yakan dahil sa isang Filipino filmmaker na si Nash Ang.

Sa episode 9 ng Arthdal Chronicle, binigkas ni Nash ang “Kaunahan tara isa kuma-on. Iban binug-tubig,” kung saan ang ibig sabihin ay humihingi ng tubig at pagkain. Sa palabas, kabilang si Nash sa Wabi Tribe.

Si Nash Ang ay naging scholar sa Korea National University of the Arts noong 2012. Siya ang direktor at nagsulat ng “Seoul Mates” kung saan ay naging tampok din sa 2014 Cinema One Film Festivals.


“Prior to my acting career here, I was active in the dance community and theater in the Philippines. I was able to utilize those skills whenever there are opportunities to showcase it here in front of the camera,” ani Nash.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments