Dizon, tumangging bigyan ng grado ang COVID-19 response ng pamahalaan

Tumanggi si Testing Czar Sec. Vince Dizon na bigyan ng grado ang ginagawang pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic kumpara sa ibang mga bansa.

Ayon kay Dizon, walang bansa sa mundo ang makapagsasabing magaling sila sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, mayaman man o mahirap na bansa ay pare-pareho lamang ang pinagdadanaan.


Giit ni Dizon, ang mahalaga sa ngayon ay natututo tayo sa laban sa pandemya.

Sinabi rin ni Dizon na ang magdana sa ngayon ay napababa sa bansa ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Gayunman, hindi pa rin dapat aniya ito maging basehan para maging kampante tayo sa sitwasyon.

Facebook Comments