DJ Chacha kay Sen. Bato: Magbitiw sa Senado at mag-apply na bodyguard ni Pangulong Duterte

3820
Images from Twitter/DJ Chacha and Sen. Bato dela Rosa's Facebook page

Maanghang ang naging pahayag ng radio jockey na si DJ Chacha o Czarina Balba tungkol sa sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang mamatay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tweet ng radio personality, hinamon niya si dela Rosa na magbitiw bilang senador at mag-apply na lamang na bodyguard ni PRRD dahil nasa Commander-in-Chief ang loyalty nito at wala sa taumbayan.


Aniya, tila mas mahal ng mambabatas si Duterte kumpara sa misis bunsod ng “pangako hanggang kamatayan”.

“Yan ang mahirap kapag mahilig kayong bumoto ng mga politikong PUPPET ang role sa gobyerno. Wag kang umasa na marunong silang tumayo at ipaglaban ang tama kase nagfufunction ang utak nila alinsunod sa pinuno nila,” hirit pa ni DJ Chacha.

Nitong Martes, sinabi ni dela Rosa na mabubuhay at mamamatay siya para sa Presidente at aminadong “bias” sa pinakamataas na opisyal matapos tanungin kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon pa sa senador, mas mahalaga ang kapakanan ng mamamayang “sinamantala ng kompanya” kaysa sa 11,000 empleyado ng istasyon na maaring maapektuhan kapag napaso na ang prangkisa sa Marso 30.

“Kung mabigat ‘yung akusasyon na talagang ma­raming violation ang ABS, bakit mo pa i re-renew. Sinamanlala nang husto ng ABS-CBN ang sambayanang Pilipino, bakit n’yo pa i-renew?” tugon ni dela Rosa sa mga mamamahayag.

 

Facebook Comments