Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) 4 na Filipino seafarers ang nasugatan sa pagbagsak ng missile ng Russia sa Liberian-flagged ship.
Ang naturang barko ay nakadaong sa pantalan sa Odesa, Ukraine nang bumagsak ang missile.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ang apat na nasugatang Filipino seafarers ay binubuo ng kapitan ng barko, Able Seaman, deck cadet, at electrician.
Ang Pinoy na kapitan, Able Seaman, at deck cadet ay nagtamo ng minor injuries at nilapatan lamang ng lunas sa loob ng barko.
Habang ang Filipino electrician ay nagkaroon ng fracture sa kaliwang kamay at isinugod sa ospital.
Inatasan na rin ng DMW ang manning agency at may-ari ng barko na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga Pinoy.
Nakipag-ugnayan na rin ang DMW sa pamilya ng mga nasugatang Pinoy seafarers.