DMW, aminadong hindi pa 100% na accounted ang mga Pinoy sa Taiwan

Aminado si Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na hindi pa nila masasabi na 100% accounted ang mga Pilipino sa Taiwan.

Ayon kay Cacdac, ang matitiyak lamang nila sa ngayon ay walang Pinoy na nasawi, walang nawawala at walang malubhang nasugatan sa malakas na lindol kahapon sa Taiwan.

Aniya, patuloy pa silang nakikipag-ugnayan sa Filipino community leaders doon, maging sa mga awtoridad sa Taiwan para alamin kung may iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng lindol.


Tiniyak naman ng DMW na tutulungan nila ang tatlong Pinoy na nasugatan sa malakas na lindol.

Naipaalam na rin ng DWM sa pamilya sa Pilipinas ang nangyari sa tatlong nasugatang OFWs.

Facebook Comments