DMW at BSP, nagsanib-pwersa kontra human trafficking

Lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para labanan ang illegal recruitment (IR) at trafficking in persons (TIP).

Naging saksi sa paglagda ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa naturang agreement, nagkasundo ang DMW at BSP na magtulungan sa paghabol sa mga nasa likod ng human trafficking.


Bahagi rin ng napagkasunduan ang pagbawi sa mga ari-arian ng mga nasa likod ng illegal recruitment at trafficking in persons.

Facebook Comments