DMW at DFA, puspusan ang ugnayan para maisalba sa bitay ang 60 Pinoy sa abroad

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nagtutulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) para maisalba sa parusang kamatayan ang 60 Pinoy na nasa death row sa iba’t ibang bansa.

Tiniyak din ni Cacdac na pinaplantsa na nila ng DFA ang mga preparasyon para sa pag-uwi sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso mula sa Indonesia.

Tiniyak din ni Cacdac na patuloy nilang inaalalayan ang pamilya Veloso lalo na’t nakauwi na ng Pilipinas ang kapatid ni Mary Jane na distressed OFW mula sa Saudi Arabia.


Idinagdag ni Cacdac na kanila ring inaalalayan ang apo ni Maritess Veloso na may medical condition.

Facebook Comments