Tuesday, March 17, 2026

DMW at OWWA, magdadagdag ng tauhan sa land crossings sa Middle East sa harap ng inaasahang pagtawid ng mas marami pang stranded OFWs

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overaseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magdadagdag sila ng mga tauhan sa land crossings sa Gitnang Silangan.

Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mas marami pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na tatawid sa gitna ng giyera.

Tiniyak naman ng DMW at OWWA na may mga tauhan na silang naka-posisyon sa land crossings at nakaabang sa OFWs.

Ayon naman kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, ilan sa mga umuwing Pinoy workers ay nais pa rin bumalik ng abroad pero hindi na sa Gitnang Silangan.

Sampu naman sa 50 mga Pinoy na nakalabas ng Iran ay OFWs.

Facebook Comments