Inihayag ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) na umakyat na sa 61 ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi na sa Pilipinas matapos maipit sa panggugulo ng grupong Hezbollah sa Lebanon.
Ang pahayag ay ginawa ng DMW makaraang tiyakin nito ang patuloy na pag-alalay ng pamahalaan sa mga Pilipinong naiipit sa kaghuluhan sa ibayong dagat.
Ayon sa DMW, nadagdag sa bilang na ito ang 19 OFW returnees na dumating sa bansa nitong Sabado kung saan sakay sila ng Qatar Airways Flight QR934 at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Personal silang sinalubong ni DMW Officer-In-Charge, USec. Hans Leo Cacdac at inalalayan sa mga tulong na ibinigay sa kanila ng gobyerno.
Facebook Comments