Monday, February 16, 2026

DMW, bine-verify na ang ulat na 24 Pinoy seafarers ang na-recruit sa Shadow Fleet cargo na posibleng magamit sa pakikipag-giyera ng Russia

Bine-verify na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na 24 Filipino seafarers ang na-recruit sa Shadow Fleet cargo na hinihinalang ginagamit ng Russia sa giyera.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, tinitingnan na nila ang kanilang listahan ng mga nai-deploy sa abroad na Pinoy seafarers.

Sinabi ni Cacdac na posible rin kasing idinaan sa DMW ang deployment ng Pinoy crew members at pinalabas na sa Greek vessel sila magtatrabaho bago inilipat sa Shadow Fleet.

Sinasabing ang Pinoy seafarers na ideneploy sa Shadow Fleet ay inalok ng malaking sahod.

Umapela naman si Cacdac sa pamilya ng Filipino seafarers na tiyakin na dumaan sa DMW ang kanilang mga kaanak na crew members para hindi ito makapahamak.

Facebook Comments