Blangko pa rin ang Department of Migrants Workers (DMW) sa kinaroroonan ng tatlong Pilipinong nawawala sa bakbakan ng Israel at Hamas terrorist group.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, wala pa rin silang makuhang impormasyon sa lokasyon ng tatlong unaccounted na Pinoy.
Nilinaw rin ni Cacdac na hindi pa rin nila makumpirma ang report na may isa pang Pilipinong namatay sa sagupaan.
Sa ngayon, nananatiling dalawa ang bilang ng mga Pilipinong namatay sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Tiniyak naman ni Cacdac na regular na dinadalaw ng kanilang mga tauhan sa safehouse sa Israel ang mga Pilipinong na-rescue sa bakbakan.
Facebook Comments