Blangko pa rin ang Department of Migrant Workers (DMW) sa kabuuang bilang ng mga Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Morocco.
Sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, na ang alam lamang nila ay karamihan sa mga Pilipino sa Morocco ay nasa lungsod ng Marrakesh, kung saan naitala ang epicenter ng magnitude 6.8 na lindol ay nasa 72 kilometro timog-kanluran.
Aniya, nasa 400 ang mga Pinoy na nakatira doon.
Tiniyak din ni Cacdac, na patuloy silang nakatutok sa update mula sa mga awtoridad, gayundin ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Nauna nang sinabi ng Philippine Embassy sa Morocco na walang Pinoy na nasaktan o namatay sa malakas na lindol doon.
Facebook Comments