DMW: Daan-daang OFWs na nawalan ng trabaho sa New Zealand, hinahanapan na ng malilipatan

Hinahanapan na ng kompanyang malilipatan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 500 mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa New Zealand.

Ito ay matapos na magdeklara ng pagkalugi ang ELE Group of Companies sa nasabing bansa.

Partikular na nawalan ng trabaho ang daan-daang Pinoy construction workers.


Ayon kay DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, pagkakalooban muna ng tulong-pinansyal ng pamahalaan ang mga Pinoy na naapektuhan ng pagsasara ng kompanya.

Kinumpirma naman ni Philippine Ambassador to New Zealand Kira Christianne Azucena na mahigit dalawang buwan pa bago makuha ng Pinoy workers ang kanilang mga benepisyo sa ELE Company.

Ayon kay Azucena, 457 na OFWs na kabilang sa mga nawalan ng trabaho ang nakipag-ugnayan na sa kanila.

Facebook Comments