DMW, iginiit na dapat taasan ang sahod ng Pinoy nurses upang di na mapilitan magtrabaho sa ibang bansa

Binigyang diin ng Department of Migrant Workers (DMW) na dapat ay taasan ng pamahalaan ang sweldo at benepisyo ng Pinoy nurses para hindi sila mapilitang mangibang-bansa.

Ito’y matapos ihayag ng DMW na anim na malalaking bansa ang pursigidong nakikipag-usap ngayon sa kanila para sa pagkuha ng Filipino nurses.

Ayon sa DMW nakikipag-usap na sa kanila ang ambassador ng naturang mga bansa tungkol sa pagha-hire ng mas maraming bilang na nurses sa kanilang bansa.


Kabilang dito ang United States (US), Saudi Arabia, Austria, Singapore, Japan at Germany.

Malaking bilang ng Pinoy nurses ang kakailangan nang nasabing mga bansa na pupuno sa pangangailangan ng mga ito sa healthcare workers.

Facebook Comments