Ikinokonsidera na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagdedeklara sa Red Sea bilang high-risk zone para sa Filipino seafarers.
Kasunod ito ng dalawang beses na hijacking incident sa Red Sea kung saan may mga sakay na Filipino seafarers sa mga inaatakeng barko.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa employers at maritime sector hinggil sa nasabing concern.
Nakipag-ugnayan na rin ang DMW at Department of Foreign Affairs (DFA) sa partners nito sa international maritime at shipping industry para matiyak ang kaligtasan ng Filipino seafarers sa rehiyon.
Samantala, kinumpirma ng DMW na nakausap na nila ang pamilya ng dalawang Pinoy crew na nakaligtas sa hijacking sa Red Sea.
Facebook Comments