DMW, inanunsyo ang “No Placement Fee Policy” na pinaiiral ngayon sa Qatar

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang State of Qatar ay isa na ngayon na non-placement fee labor-receiving country.

Nangangahulugan ito na bawal nang maningil ng placement fee ang mga lisensyadong recruitment agencies na nagde-deploy ng Pinoy workers sa Qatar.

Kabilang sa ipinagbabawal ang paniningil ng recruitment fees, expenses, at iba pang kaugnay na bayarin.


Pinapayuhan naman ang publiko na mag-report sa DMW sakaling may recruitment agency na maningil ng placement fee sa mga aplikanteng patungo ng Qatar.

Facebook Comments