DMW, kinumpirma ang brutal na pagkamatay ng isang Pinay sa Saudi Arabia

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng filipina na Overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorette Garcia.

Ang naturang pinay ay natagpuang patay at may tama ng saksak sa katawan.

Tiniyak naman ng DMW ang agarang repatriation sa labi ni Garcia.


Tinututukan na rin ng Migrant Workers Office sa Al-Khobar Saudi Arabia (MWO-Al Khobar) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng OFW.

Facebook Comments