DMW, kinumpirma na may Pinoy na kabilang sa mga namatay sa sunog sa building sa Sharjah, UAE

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may isang Pilipina ang namatay sa sunog sa residential building sa Sharjah, United Arab Emirates noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac, patuloy ring inoobserbahan ang kalagayan ng mister ng nasawing Pinay dahil ito ay nasa kritikal na kundisyon.

Aniya, inaayos na ngayon ang repatriation ng labi ng Pinay.


Bukod dito, may 11 iba pang mga Pinoy ang naapektuhan ng sunog at ngayon ay nasa hotel sa Sharjah.

Tiniyak naman ng DMW ang tulong na ipagkakaloob sa mga biktima.

Facebook Comments