Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nagpadala na ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng team sa Cambodia.
Ito ay para magsagawa ng imbestigasyon para matunton ang sindikatong nag-deploy sa mga nakakulong doon na Pinay surrogate mothers.
Ayon sa DMW, bukod sa team ng IACAT, nagpadala na rin ang pamahalaan ng mga fiscal, abogado, at mga ahente ng NBI na bibisita sa mga convicted na Pinay.
Iginiit naman ng DMW na biktima ng human trafficking ang mga Pinay subalit may batas anila ang Cambodia na nagbabawal sa surrogacy.
Muli namang nagpaalala si Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac sa publiko na mag-ingat sa mga hindi lisensyadong recruiter.
Facebook Comments