DMW, maglalabas ng mas mahigpit na panuntunan para sa accommodation ng household service workers

Maglalabas ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mas mahigpit na panuntunan para sa accommodation ng Household Service Worker (HSWs) sa ilalim ng mga lisensyadong Philippine Recruitment Agencies (PRAs).

Ayon kay Migrant Wokers Sec. Hans Leo Cacdac, ikinukonsidera nila ang housing standards ng Singapore para sa migrant workers sa harap ng nakalulungkot na kalagayan ng mga aplikanteng manggagawa.

Sinabi ni Cacdac na sa Singaporean standard, 12 residente kada silid ang maaaring magsalo kung saan ito ay may isang metrong distansya sa bawat kama at may mahigit 3 metro kuwadradong lawak.


Nais din ni Cacdac na lagyan ng internet connection ang naturang mga pasilidad para mabigyan ng pagkakataon ang Household Service Workers na makatawag sa kanilang pamilya.

Tiniyak din ni Cacdac na makikipag-ugnayan ang DMW sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sakaling may aplikante na pagbabawalang lumabas ng kanilang accommodation.

Facebook Comments