
Magtatayo ang Department of Migrant Workers (DMW) sa lalong madaling panahon ng Migrant Workers Office (MWO) sa Cambodia.
Sa harap na rin ito ng tumataas na bilang ng Filipino workers na nabibiktima sa scam hubs sa nasabing bansa.
Ayon sa DMW, agad silang makikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Tess Lazaro at Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Mayo para sa pagtatayo ng MWO sa nasabing bansa.
Una na ring kinumpirma ni Ambassador Mayo na dumoble ngayong taon ang bilang ng mga Pinoy na nabiktima sa scam hubs sa Cambodia.
Layon din ng itatayong MWO sa Cambodia na mapag-ibayo pa ang pagseserbisyo sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.
Facebook Comments









