DMW, makikipag-ugnayan na sa mga na-rescue na crew ng lumubog na Eternity C para makakuha pa ng karagdagang detalye sa insidente

Sisikapin ng Department of Migrant Workwers (DMW) na makausap ang mga nailigtas na crew ng lumubog na Eternity Sea.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ito ay para alamin ang detalye ng pag-atake ng Houthi rebel sa naturang barko.

Aniya, ang pinakamagandang gawin sa ngayon ay kausapin ang limang na-rescue para malaman kung paano sila inatake ng mga rebelde, paano lumubog ang barko, at paano sila nakaligtas.

Sa ngayon ay nasa ligtas ng lugar ang limang na-rescue pero hindi na tinukoy ang kanilang kinaroroonan dahil sa isyu ng kanilang seguridad.

Una nang kinumpirma ng DMW na lumubog na ang Greek-owned Eternity C.

Facebook Comments