DMW, mananatiling bukas sa OFWs na magpapasaklolo para sa repatriation ngayong Semana Santa

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na mananatiling operational ang DMW One Repatriation Command Center (ORCC) ngayong Semana Santa.

Layon nito na maging tuluy-tuloy ang pagbibigay ng agarang assistance sa Overseas Filipino Workers o OFWs.

Kabilang dito ang OFWs na hihingi ng tulong para sa repatriation.

Bukod dito, mananatili ring naka-duty ngayong Semana Santa ang mga tauhan ng DMW na naka-assign sa Migrant Workers Airport Assistance Centers (MWAAC) sa airport terminals.

Layon nito na ma-asistehan ang mga papaalis na OFWs ngayon Mahal na Araw.

Facebook Comments