Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa halos isang bilyong pisong pondo na ang nagagamit nila mula sa pondo ng Aksyon Fund.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na ang naturang pondo ay ginamit para tulungan ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na merong labor related cases at may legal o court cases.
Batay sa kanilang datos, nasa 43,000 na mga OFW ang may labor related cases, habang 9,400 naman ang may court cases.
Kasama rito ang may reklamo tungkol sa kanilang employer, o sila ang kinasuhan ng kanilang amo.
Sa kabuuan ay may P2.8 billion na pondo ang DMW sa ilalim ng Aksyon Fund.
Dito rin kinukuha ang financial assistance ng mga pinapauwing OFW sa bansa.
Facebook Comments